Wednesday, May 13, 2009
sipatin natin ang mga payaso sa nalalapit na pistang bayan.
yahuuuu. 2010, is just around the corner. here come's again our piyestang bayan, kung saan maraming payaso ang tutumbling, magjujuggling, tutulay ng alambre, bubuga ng apoy, (magchacha-cha pa) at magpapasaya sa ating nagdudumilim na buhay. minsan pa, pasisilipin nila tayo sa liwanag ng kinabukasan, at padadamahin ng mainit na pagasa, at pangingitiin kagyat. pero kapag natapos na palabas. gudlak sa mga ipinangako nilang pagbabago. gudlak talaga. at gudlak sa bawat isa sa atin--- may liwanag ba ang bukas? o babalik lang tayong muli sa kinasanayang madilim na lipunan, at dahil sa kinasanayan na eh accustomed na tayo, kaya ayus na, hindi na natin alintana ang dilim na kinasadlakan... (isang malalim na buntunghininga!)... gudlak talaga.
kaya, heto ang mga opinyon ko at pagsipat, sa mga tunay na anyo ng mga naglipanang payaso, bato bato sa langit ang tamaan gantihan ako ng tinapay :) yung may palaman ha hehe...
1. manny villar. hehehe uunahin kita tito (haha). isa kasing montalban si manny, "kamaganak" daw namin siya, sabi ng tatay ko. pero malaki clan namin. so hindi ko alam ang katotohanan hehe tsaka di ako umaatend ng reunion. i was inclined to believe him kasi nga "kamaganak" tapos nuong una pa, nakakabilib naman talaga ang propaganda niya tungkol sa Sipag at Tiyaga. ganun din naman kasi kami napalaki ng tatay, kaya nakakarelate ako. inspiring. palakpak. pero paano nga ba talaga yumaman ng ganun si tito manny? dati lang siyang fish vendor, pero naging isang real estate magnate? gray area di ba? hehe paano niya nagamit ang mga agri lands at ikinonvert into housing projects? gaano siya kadikit ke madam cory nuon? sapat ba para ang pondo para sa pabahay ng urban poor ay "mahiram" niya at magamit na kapital? pinabayad ba siya o nakabayad? o tee way ito (as in TY)? naging congressman siya ng Las PiƱas, hanggang sa maging House Speaker, kakampi niya si Erap pero nagtraydor siya dito nung ipapasa niya ang impeachment sa lower house, tapos tumawid siya sa kampo ni Ramdam, saka naman tumakbo siya sa Senado, nanalo, at malaon eh pumalit kay Drilon sa pagkapresidente ng Senado, pero ano bang mahalagang nagawa niya bilang Senador? o bilang Senate President? tapos ngayon may hinaharap pa siyang ethics case sa Senado? hmmm... isip isip :) ang payaso bang ito ang iboboto ko?
2. noli de castro. si kabayan, nagsimula talaga ito from humble beginnings. nagpunta siya ng maynila na kakarampot ang perang dala dala, nagsimula siyang PA sa RPN 9, thanks to Inday Badiday na nagtiwala sa kanya para kunin siyang voice announcer sa kanyang showbiz program. tapos binigyan siya ng bigbreak ng ABSCBN, nun kunin siya para sa TV Patrol, hanggang sa magkaruon siya ng sariling show, ang Magandang Gabi Bayan. tapos tumakbo na siyang senador, at nanalo, at naging bise presidente pa nga... kaya nga lang, may mga tsismis sa paligid, kung totoo ewan ko lang, na may mga news siyang nareresearch, na incriminating sa mga malalaking tao, pero ipapaalam niya sa mga taong yun at nababayaran siya not to air a certain expose... hmmm... totoo kaya, kabayan? sana lang hindi. sana. independent at wala siyang partido ngayon, pero may bulungan din na nasa likod niya si Manny Pangilinan na may hawak ng PLDT, huhmmm... siya kaya ang itataguyod ng akomismo??? siyakayamismo??? hmmm... isip isip :) ang payaso bang ito ang iboboto ko?
3. loren legarda. ayus, babae. so dapat mas malambot ako sa kanya kasi kalahi ko siya hehe. nagsimula siya bilang isang journalist, pero ngayon isa na siyang professional politico wasak... muntik na siyang maging bise presidente kung hindi allegedly ay naging biktima daw ng dagdag bawas. asawa niya (dati) si Tony Leviste, gobernador ng Batanggas dati, at ngayon ay may kasong pinagdudusahan sa Bilibid (murder). matapang, palaban. wala akong masyadong maamoy na tsismis, pero hindi nakakatuwa ang uber obvious na tv ad campaign niya na hindi pwedeng mailusot bilang advocacy promotion, heller, i filipino, no idiot, hehe. pero sa tindi ng kumpetisyon sana maghintay hintay muna siya ng 2016, siya kaya ang ieendorso ni sir dandy? hmmm, anong pagpapalangis kaya ang kapalit ng endorsement ng cocoking??? hmmm... isip isip :) ang payaso bang ito ang iboboto ko?
4. gilbert teodoro. naloka ako sa disaster tips niya, nakamnemonics ng T-E-O-D-O-R-O ayus! hehe. kaalyado ng nakaupong rehimen, is that good or bad? eheh... si mang gilbert, galing sa pamilya ng mga hacienderos, panginoong may lupa, kaya goodluck sa mga magsasaka. pinaupo siya ni Ramdam, bilang defense secretary, at siya ang nagbigay ng kapangyarihan sa mga kagaya ni Honorable Murderer Palparan, na mang aresto, mang dukot, magpatahimik at pumatay ng mga kalaban ng administrasyon ni Ramdam. naku nakuha niya pang magsinungaling sa human rights rekord ni Ramdam, ang ipalabas na ang mga pagpatay, at ang pagdami ng mga desaparecidos eh bahagi ng kanilang anti-insurgency program, in protection of national interest, eh? hmmm... isip isip :) ang payaso bang ito ang iboboto ko?
5. mar roxas. wowowee, will you marry me, if you won as president, i shall definitely do. hehehe. ang showbiz ng taong ito, kalerke. dinaig si ryan at juday! wagi si korina, lalo na dahil si padyak king ay galing sa pinakamayamang pamilya sa pilipinas. mula sa dalawang dakilang angkan, isang higante sa pulitika, isang higanteng kapitalista, ayus sa combination! yung mga araneta, eh mga panginoong may lupa, at syemps si lolo manuel, eh dating taga palasyo. banker talaga siya bago maging politico, at maganda naman ang track record, huwag lang sanang mangibabaw ang makauring interes niya (dala ng uri na kanyang pinagmumulan), gudlak. hehe. hmmm... isip isip :) ang payaso bang ito ang iboboto ko?
6. chiz escudero. hehehe CRUSH!!! kakaloka. laluvs ko talaga siya. haruuuu. pero isa siyang napakabatang sinungaling!!! bukambibig niya na galing siya sa mahirap na pamilya, haruuuu sinong maloloko niya? ang mga escudero eh mga panginoong may lupa, op kors eh agriculture secretary si daddy eh haha. (may konek ba? isip isip). magaling siyang magtalumpati, may laman ba ito? nadetalye na ba niya ang ibig niyang sabihin sa isinusulong niyang Truth Justice and Peace? sa simula pa lang ng karir niya bilang politico, sinuportahan na siya ni cocoking, for free? hmmm... eh ngayon kung siya ang magiging presidente, what will he offer the king that legarda cannot deliver??? hmmm... auction ito sa NPC hehehe, who would be the highest bidder? wait and see. hmmm... isip isip :) ang payaso bang ito ang iboboto ko?
7. bayani fernando. haruuuu... nuisance candidate lang ito. hehehe. ano bang nagawa niya? ok kapuri puri ang mga pink walkways sa paglalagay ng kaayusan sa mga daanan natin, pero kumita naman ang kumpanya niya dahil sila din ang nangontratang gumawa nito. nilinis niya ang kahabaan ng edsa sa mga naglalakihang billboards only to flaunt ang kanyang metro gwapo attributes naks naman super pugee sa tarp na nakabalandra at masakit sa mata sa kahabaan ng edsa. salamat din sa U Turn innovation niya, madaming kinukuha si Lord (ayus). at andami niyang paglabag sa karapatang pantao, hindi lang basta paalisin ang mga vendors sa kalsada na nagtatrabaho lang naman ng marangal para may maipakain sa pamilya, ok lang kung paalisin ng maayos, at bibigyan ng alternatibong lugar na makakapagkalakal pa din eh, pero sinisira/kinukumpiska pa ang mga paninda ng mga ito?!@# at harassment pa. tsk. tsk. ok ok OK, may dahilan naman siya sa paghihigpit niya, pwedeng tama, pero naman pwede naman maimplement ang mandate niya sa makataong pamamaraan, only if they would try, may paraan. dahil kung walang paraan na maging makatao ito eh mali ang mga ordinansang ganito in the very first place, di ba??? hmmm... isip isip :) ang payaso bang ito ang iboboto ko?
8. dick gordon. tuta ng kano. naku numero uno pala itong pro american nuong nauso ang pagpapatalsik sa base militar ng mga kano dito sa ating bansa, pero bumawi naman siya nung mabigyan siya ng posisyon bilang administrador ng sbma. ayun, hindi ba naging super ganda at sikat ng subic at gapo? kaya pala naman ng pinoy kahit wala ang tropang kano na akala natin eh bumubuhay ng ekonomiya ng subic, at karatig pook... sa kanyang termino bilang sbma administrator siya ang nagpasikat ng ispirito ng bolunterismo (idol?) hehe. pag siya ang naupo mapupuno ang mga volunteers kaya yung pondo ng government ayus lang kurakutin, may mga libre namang do-gooders eh. tapos tumakbo siyang senador, at nanalo. pero wala tayong masyadong naririnig sa kanya. masyadong mapili siya sa mga isyung sinasawsawan. tahimik. nagsasalita lamang kung kinakailangan. at usually hindi wild histrionics gaya ng iba. lately sumikat siya dahil sa kidnapping ng 3 icrc volunteers, hehe umiyak pa nga siya on cam di ba? hmmm... isip isip :) ang payaso bang ito ang iboboto ko?
9. among ed. aba aba, this one, impressive. with what he did to pampangga, he deserves.... a lot of novena, hehe sa dami kasi ng sinasagaan niya eh gudlak sa safety niya. bagong politico, hindi naman kasi talaga pulitika ang habol niya, that is as far as he has shown. isa siyang kura paroko, pari, but was forced to run in the governatorial race by his own constituents, at nailuklok nga siya, dumaan ang mga taon, pero may pagbabago bang naganap sa kahirapan ng mga taga pampangga? nakakain ba ang sermon niya? umasa ang marami kay among ed... pero... pagkatapos ng lahat, may nagawa ba talaga siya? well mas malaki ang nakolektang buwis, nawala kasi ang korapsyon, pero ano nang nangyari sa buwis na yun? was it translated to alleviation of poverty within his contituency? hmmm... isip isip :) ang payaso bang ito ang iboboto ko?
10. ping lacson. ambisyoso. kakainis kung hindi siya naging mapanghati nun nakaraang eleksyon di sana walang alibi na manalo si Ramdam. hehe. kontrobersyal ang track record nito. military man. ang kokontra sa kanya. ligpit. walang gulo, we shall surely achieve peace. naisapelikula na nga ang momentous life nito, did i have to say more who he is and what he can do? pag nagkamali ako ng tipa dito eh manganib buhay ko, hehe di kailangan ng wiretapping nakaforeveryone ang post na ito, and yet i like his iron will, sana lang magamit sa tama. magamit kaya sa tama? hmmm... isip isip :) ang payaso bang ito ang iboboto ko?
11. jejomar binay. ganito kami sa makati, sana sa buong bayan ganito din! wagi. hehe. uu nga naman ano, pero meron bang kamultiply dito na taga makati who could really prove na trulala yun? curious lang talaga ako, ganun nga ba talaga sa makati? kasi kung ganun, i can forgive him sa super lakas niyang makacut sa mga construction projects sa area niya. eh kung nauuwi naman ito sa serbisyong bayan, aba eh, why not coconut. latest news eh hindi na daw siya presidentiable but a senatoriable. tatakbo kasi si erap. kaya di ko na siya hahabaan pa ng pagpapakilala.
12. erap estrada. ambisyoso to the highest level. dating presidente, na-impeach, na patunayang guilty of perjury, na-pardon, tatakbo uli???? haru kelangan ko pa bang ikwento paano niya ipinagkanulo ang taong bayan sa tiwalang iniatang sa kanyang balikat??? i hope not. because i filipino, no idiot. hehe. or am i? hmmm... isip isip :) ang payaso bang ito ang iboboto ko?
13. mike velarde at eddie villanueva. ambisyoso din pero di naman nadaig si erap. pinagsabay ko na ang dalawa... (pagod na ako at) tutal iisang kategorya, kasama nilang dalawa sa kategoryang ito si among ed. mga spiritual leaders, na tatakbo at the pretense of being pushed by their sheeps. we need them but do we really need them? (haru ang gulo ng tanong ko) para lang silang nuisance candidate para mangagaw ng botante. sana magkaruon na lang ng paguusap, kung gusto talaga nila ng pagbabago, malaki na ang magagawa nila sa kani-kanilang leadership post, tulungan na lang nila ang kawan nilang kumilatis sa ibang payaso at wag na sana silang maging isa din sa mga payaso. sana lang naman. sana.
o eh sino dyan ang pwedeng iboto? yung "lesser evil"?
(photos grabbed from google)
Saturday, September 13, 2008
hikbing sakbibi kay pilipina...
HIKBING SAKBIBI KAY PILIPINA
nanigas na ako at hindi matinag sa aking kinatatayuan
napako ang tingin ko sa iyong kalunos-lunos na kalagayan
tahimik... tahimik... pero damang dama ko ang iyong hikbi
ninais kitang lapitan at patahanin pero ako ay napipi
hindi na pansin sa iyong suot na saya
ang dating tingkad ng asul at pula
hindi na mababakas sa iyong blusa
ang kinang ng dilaw na araw at tala
wala na, wala na... nangungutim na ang lahat
wasak, punit... sira... at wala na ang dating gara
ah... kalunos lunos nga ang iyong abang kinasapitan
palad mo ay sa busabos at walang katapusang kapaitan
pinagagawan ang pagaari sa iyo ng mga sultan at hari
iniibig ka nila... pero pag-ibig na walang pagkandili
tatlong daang taong mahigit ikaw ay kanyang inangkin
gamit batong-krus, nauto ka nilang maging matiisin
matagal bago ikaw ay matauhan at magising
kung hindi pa isa sa anak mo ay mabaril
kaya ang isa naman ay naglakas na magtaas nitong kamao
upang ihatid nawa sa iyo ang tunay na kalayaan mo!
subalit anong pait nitong naiukit na kapalarang
mismong kapatid niya rin ang sa kanya'y papaslang
pinagpasapasahan ka ng mga hayok... pinagpasasaang ganap...
may sakang... may puti... pero ang masakit ay iyon pang kauri!
nakalbo ang malago at makulot mong mga kagubatan
nasaid ang katas at bunga ng iyong lupa at sakahan
inagaw pati ang dalisay mong mga pampang at karagatan
isinantabi ang mahihina at mahihirap mong kawan
narinig ko muli ang naiipit ipit mong mga hikbi
nais kong kumilos... nais kitang kandungin kahit sandali...
kalunos-lunos sa aking pandinig ang naririnig na panaghoy
saka ikinagulat kong mga luha ko'y di na napigilang dumaloy...
globalisasyon, liberalisasyon, privatization
lahat na ng kamaganak ng Tiyuhin mong mahilig kay Sion.
hindi pa ba... hindi pa ba ang lahat at sasapat?
ilang milyon pa ba ang gugutumin para ito ay maging marapat?
anong magagawa ko sa iyo?
ang sabayan ka sa iyong pagtangis?
sapat na ba ang pakainin ko ang ilan sa iyong anak?
sapat na bang kalingain ko at maging boses nila?
anong maiaalay ko para tuluyan ka ng tumahan?
nanglilimahid ka na halika't ikaw ay paliliguan
paliliguan ng mga dugo ng mga sa iyo ay umalipusta
pababanguhan ng mga inialay na buhay ng bayaning nakibaka
habang inihahanda ang bagong saya at blusa
na inihahabi ng aming kolektibong pagkakaisa
ah... kailan kaya pangarap ko ay makikita?
yun bang maringal kang muli na parang isang reyna
may kapayapaan sa buong bayan mong paghaharian
kasaganaan sa kanayunan, sa bukid, gubat at karagatan
pagkakapantay-pantay ng lahat at hustisyang sosyal
matamis ang kamatayan kong ito ay makikita makikintal!
pero paanong ang lahat ng ito ay mapangyayari
kung hindi ako patitinag sa aking kinatatayuan
kung mapapako lang ang tingin ko sa iyong kasawian
kung iiyak lang ako... at dadamay man... ngunit sa iilan?
kilos na.
KILOS NA..
NGAYON NA...
TAYO NA!
Saturday, July 19, 2008
oh Noooo, JPEPA!!!!!!
dahil sa sinabi ni _______, mejo nahighblood ako at nangati kung anong bagong balita sa JPEPA, kinabahan na hindi maintindihan... punyeta naratipika na kaya? naipasa na kaya?
shet shet shet. pero ang dami kong gagawin pa kaya hindi ako nakahawak ng dyaryo hanggang sa dumating na ang hapon. pero nakita ko pa lamang ang headline title sobrang nalerke na talaga ako...
ano ba ang JPEPA?
ang JPEPA o Japan - Philippines Economic Partnership Agreement, ay ang kasunduan ng Japan at Pilipinas na naglalayon sana ng pagtutulungan ng dalawang bansa na makakatulong o makakapagbigay ng benepisyong pangekonomiya sa nagkasundong mga bansa. pero ang JPEPA ay isang kasunduan hindi natin dapat payagan.
una binastos nito ang kahalagahan ng proseso. minadali ang tratado at ang masama itinago sa publiko at hindi pinadaan sa konsultasyon sa mga maapektuhang sektor, sa kung anong dahilan, bakit ganun ang ginawa nila, hindi pa natin matukoy. well, naiisip ko na baka binayaran kaya sila para ito ipasa?
pangalawa, ang tratadong ito ay punong-puno ng butas, punong-puno ng mga magagaspang na probisyong makakaapekto ng malaki sa pagkabagsak pa lalo ng ating ekonomiya at patuloy na paghihirap ng ating mamamayan. ayokong maglagay ng malisya pero nakakapagtaka sinong matalinong tao ang papayag, sasangayon at magsusulong ng isang tratadong luging lugi ang kanyang sariling lahi? anong pang-blackmail meron ang mga Hapones, kung bakit nagagawa ng mga dalubhasang mga ekonomistang nakapagtapos naman sana sa mga primadong unibersidad ng bansa, (ateneo, up, lasalle), at mga unibersidad pa man ding nagsusulong ng mabuting asal at pagsunod sa yapak ng Kristong nagalay ng buhay, sa kaligtasan ng nakararami... ano at ang halimbawang ito'y winalang silbi nila, at iniwan ang kabutihang asal at pagiging makatao man lamang (kung meron sila) sa apat na sulok ng paaralan lamang?
ang mga butas ng nasabing tratado ay makakaapekto at makakaagrabyado hindi lamang sa usaping pang-environment, dahil niyakap ng Pilipinas sa pamamagitan ng JPEPA na maging tapunan tayo ng toxic waste ng bansang Hapon. hindi nga natin alam paano natin itatapon ang ating sariling basura, tumanggap pa tayo ng basura ng iba, at tignan basura itong nakamamatay ng mas mabilis kaysa sa ordinaryong basura---toxic waste! teka kulang pala sa saktong teksto ng JPEPA i will quote unquote "toxic, hazardous, and nuclear wastes"
dagdag na apektado at agrabyado din ang ating agrikultura, pangisdaan, at mga industriya, mahigit sa 200 produkto ng Hapon (651 tariff lines) ang mawawalan ng taripa at libreng makakapasok ng bansa, samantalang dadalawang produkto lamang ang ating prinotektahan na hindi singilin ng taripa (6 tariff lines) (bigas at asin).
pinapayagan din ng Pilipinas sa pamamagitan ng JPEPA na magkaruon ng pribadong pagaari sa lupa ang mga Hapones sa lahat ng sektor (maliban lamang sa manufacturing at services). kung nanaisin ng mamumuhunang Hapones na magkaruon ng real estate o agri business aba pwedeng pwede na silang magari ngayon, paano na ang mga magsasaka nating ilang dekada nang nangangarap na makabungkal ng lupang kanila?
hahayaan din ng Pilipinas sa pamamagitan ng JPEPA ang mga korporasyong may 40% na pagaari ng mga Hapon na mangisda sa ating karagatan, nasaan na ang probisyon sa konstitusyon na ang paggamit ng ating yamang dagat ay nakareserba lamang sa mga Pilipino?
ipinagmamalaki din nilang magbubukas ito ng oportunidad sa ating mga nurses para makapagtrabaho sa bansang Hapon, pero ito'y kabalintunaan, kalokohan, pagpapanggap, at kasinungalingan. babayaran ang ating mga nurses ng $400 habang nakatira sila sa isang bansa na ang cost of living ay $1000. ang kontrata ay tatagal lamang ng isang taon at kailangan nilang magtrabaho at magaral ng Nihonngo ng sabay sa loob ng isang taong ito. pagkatapos ng isang taon, kailangan nilang ipasa ang Board Exam ng mga Hapones at ang Language Proficiency Exam ng mga ito. maliban dito dapat bago siya matanggap mayruon muna siyang 3 taong karanasan, at pasado ng Philippine Nursing Board Exam. bakit ang mga nurse ng Indonesia 2 taong karanasan lang at 3 taong nursing course at walang board exam ay tinatanggap na ng bansang Hapon.
ito ba kapalit ng mga butas at halatadong nananamantalang mga probisyon?
sa mga nabanggit ko hindi ko pa nga iyan inisa isa dahil hahaba ang blog na ito, at malamang hindi mo na basahin, kaya itanong mo na lang sa komento.
hindi din natin alam ang side deals pa sa JPEPA dahil ng hingiin ang buong dokumentasyon ng negosasyon at paguusap, tinawag na namang muli ng ating mapagmahal na ina ang kanyang agimat: "executive privilege".
executive privilege, na sinangayunan ng pinakamataas na korte ng bansa.
(iling-hikbi-iling-iling-hikbi)
wala naman daw tinatago ang JPEPA,
pero bakit tinawag si EP?
"kung hindi naintindihan ng ilang kasamahan ko ang ilang probisyon eh problema nila yun" - sabi ng ating butihing senador enrile.
ginoong kagalang galang na senador. ikaw ata ang hindi nakakaunawa.
IBINEBENTA NA ANG KALULUWA NG PILIPINAS, ginahasa na nga at lahat lahat, ultimo kaluluwa isinasangla pa.
pag naipasa ang JPEPA. ito pa, maiinggit ang ibang bansa. aba aba Pilipina, siya lang ba ang pwedeng magpakasasa sa iyo, kung pinayagan mo siya, payagan mo din kami, kung di ka papayag, pwede naming daanin sa dahas, kaya sige na Pilipina, ibuyangyang mo na ang yaman mong pinaglalawayan naming banyaga.
sige lang JUAN, matulog ka lang at hayaan mo lang silang ibenta pati ang pagaari ng iyong kaapu-apuhan. sige lang JUAN, hindi ka pa rin ba magdedesisyon?
Thursday, June 5, 2008
system loss: idol ko sana si juday!
syempre romance-buff ako...
eh sa yun ang kahinaan ko kwentong pag-ibig e...
magaling naman siyang artista (in fairness hehe)...
pero sana nagiisip siya di ba? ng mga tinatanggap niyang advertising engagement?
(o come on aleida nasa nbn 4 ka din naman dati ah, pero wtf! i didn't just gave in, i fought.)
pero siya, nagisip-isip naman sana siya dapat di ba, lalo at may exchange of money (talent fee of course! how philantrophic naman kung libre lang yun hmft~)
hay hay poor Juday, anong iniisip mo habang ginagawa mo tong komersyal mong pinakabago, yes guys, im talking about the meralco system loss commercial she had done and has been actually aired since last thursday.
naipit din kaya siya dahil abs-cbn contract star siya? and ang abs-cbn ay pagaari ng mga Lopez, na siya ding major stockholder ng Meralco?
ipaliwanag ba naman ang system loss sa pamamagitan ng paghahambing ng kuryente (power), laban sa yelo (ice). ang system loss daw ay ang yelong natutunaw, hindi natin nakikita, pero bahagi pa din ng yelo... w-o-w, idiot's guide to system loss isn't it?
system loss na hindi maipaliwanag ng MERALCO for a long time ipinaliwanag ni Juday in 60 seconds, panalo di ba? yun lang nga ginamitan ng mali, at nakaliligaw na paliwanag---
ganun na ba katanga ang masa na mapapaniwala niyo sa charm ni Juday?
tunaw na yelo at system loss???? huwaaat...
PARA SABIHIN KO SA INYO ITO ANG TOTOONG SYSTEM LOSS--------
in clearer terms system loss ay:
(a) ang kuryenteng idineliver sa Manila Electric Co. (Meralco) *retailer* galing sa state-owned electricity producer National Power Corp. (Napocor) at mga independent power producers minus (b) pangkalahatang kuryente na nakonsumo ng publiko ayon sa nakarehistro sa mga metro nito.
madalas na mas mababa ang (b) kesa sa (a) kasi may likas na resistensya yung distribution wire sa kuryente kaya nacoconvert ito at nagiging "heat". madalas pero hindi palagi na naibabalik naman itong nawawalang "heat" sa pamamagitan ng mga step-up transformer na makikita sa mga distribution grid~ ito yung makikita mong mga transformer sa mga poste sa inyong komunidad... pero hindi nga lahat nababawi nito.
yung pagcompute din ng system loss sinasali din yung mga kuryenteng ninanakaw ng mga kapitbahay mo, naku andami niyan sa kapitbahayan namin! ito kasi ay mga kuryenteng nadeliver ng Meralco, pero hindi naman narehistro sa metro. oo nagbabayad ang mga tapat at scot-free ang mga hindot na magnanakaw.
haha, dyosko, ang system loss po ay hindi pwedeng ihambing sa yelo, ang yelo kasi na binibili sa mga ice plant, pag inihahatid sa mga establisyemento, hindi po binabayaran ang natunaw na bahagi. kung yung tingi tingi lang naman, na mabibili sa mga sari store, nagrereklamo tayo sa yelong malambot pa di ba? o sa yelong tunaw na? tumatawad tayo sa presyo at hindi natin babayaran ang bahaging tunaw na?
sa usapin ng kuryente--- sa distribution pa lang may nawawala na agad na kuryente, pero bayad na natin ang kuryente bago pa ito umalis sa mga power producers... ito pa ang malala sa kaso ng yelo, ginagawa ang lahat ng paraang posible para hindi ito matunaw, halimbawa gaya ng pagsesegurado sa mga delivery vans na ito'y selyado at may tamang temperaturang magpapanatili upang hindi matunaw ang yelo, samantalang sa kuryente, hindi tayo gumagawa ng way na magtipid, oo kahit pa inevitable ang system loss pero ang nakakaloka ay ultimo ang office overhead charges, meaning ang kinunsumo ng mga opisina ng Meralco, oo pati yun ipapatong as system loss~
all relying at the premise that pasok pa naman daw kasi sa allowable bracket of amount (percentage to total cost) of system loss (which are inevitable naman kasi). ayun... kaya sige isingil sa masa!
naalala ko itong so called allowable brackets na masyadong naabuso kahit saang ahensya, halimbawa ang dustpan, ang allowable amount niyan sa COA ay P120, so kahit mabili yan para magamit sa baranggay sa halagang P20 lang pwede yang ideklara ng baranggay officials na nabili sa P60 peso (come on dustpan P60? really? omg!) iisipin pa ng COA na nagtipid ang baranggay, pero may naibulsa na. ayan malayo na ako sa kwento ko balik tayo sa singil ng kuryente!
dahil pasok pa din sa sinasabing "allowable amount ng system loss" ipapataw ng ipapataw ang system loss na hindi naman dapat ipataw.
system loss, stranded cost, unused electricity, LAHAT yan babayaran natin, sobra-sobrang profit na ito.
oo, yes, tumpak.... pati ang kuryenteng ginagasta sa mga opisina at sub-station ng meralco ay tayo ang nagbabayad! nakita mo ba pag pasko? puno sila ng ilaw di ba? akala ko ayos lang sila gumasta ng ganun, proud nga naman to say na sa kanila ang source ng kuryente kaya sila ang pinakamaliwanag----------
yun pala, ginagago tayo, eh tipid tayo ng tipid, tayo pala naman nagbabayad ng office consumption nila on electricity???
ano yelo pa din ba itong natunaw ha? ha? anoooo?
helllerrrrr
ininsulto talaga nila ang masang Pilipino,
sa paggamit kay Juday,
meaning dahil madami umiidolo sa kanya,
oh di ba bumenta nga naman si Ysabella at Ploning,
akala nila lahat na tayo ganun na ka Praning,
at mapapa-oo,
at mapapaniwala na lamang ng basta-basta...
at nanamnamin, ang kahit anong kabobohang ihahain nila...
yung TALENT FEE niya,
alam ninyo ba?
SYSTEM LOSS din tsk tsk...
nagpapatawa sila,
pero tayo ang ginagawang
punchline!
Sunday, June 1, 2008
fence sitter
FENCE SITTER
lumulusot sa aking katawan at likod
ang iyong pagsilip, habang nakakapit sa bakod
emosyon mo'y hindi ko matiyak ni malugod
sa pagunawa ako na rin ay napapagod
kung nais mong humakbang papasok
gawin na ngayong ako'y nababalot ng usok
pagkalilis ng mga nakalilitong ulap na ito
pangarap kong magagap ang tanging palad mo
manunuod ka na lang ba bunso
sa ginagawa ng ate mo
ang lahat ng akin ay inyo
kasali ka sa may parte dito
huwag mong hayaang yaman ko'y sa kanila lang
ang hati mo'y dapat na kapantay at di kulang
tagapagmana ka nitong aking kayamanan
angkinin mo ang iyong tungkulin sa angkan
huwag kang nanunuod lang sa bakod
nakaabang sa magaganap, nakatanghod
hindi tadhana ang uukit ng kapalaran mo
ikaw ang magdidikta ng tadhana mo
nais mo bang patuloy na maging api?
ang maging alila ng sariling lipi?
baklasin mo na ang bakod na nakapagitan
at wasakin mo ang mga pananaw na sa iyo ay nagkahon
nasa Diyos ang awa subalit nasa iyo ang gawa
ikaw ang magdedesisyon ng iyong gantimpala
tapos na ang panahong personal Siyang bumababa
ngayo'y nais Niyang hindi solohin ang pakikibaka
tindig na at tama na sa pagkukuyakoy, bunso
kalayaan ng lahi'y ikaw ang instrumento
huwag pagagapi sa mga mapanlinlang na kwento
nasa mga kamao mo ang makabubulid sa mga tuso
bukas sisipatin kong muli ang mukha mo
sana hindi na ito nakasilip sa bakod na ito
bagkus nakatindig at may nakataas na kamao
na papasugod upang palayain ako!
Monday, March 24, 2008
panawagan ng NOVALICHES ;)
Tulad ng mga Israelita, tinahak nating mga Filipino sa kasalukuyan ang Disyerto - isang bansang batbat ng talamak na katiwalian, na pinag-uugatan ng kahirapan ng nakararami. Sa paglalakbay na ito, nagbibigay pag-asa ang mga salita ng Panginoon sa pamamagitan ni propeta Isaias: "ako'y magbubukas ng landasin sa gitna ng ilang; maging ang disyerto ay patutubigan. " (Isaias 43: 19). Ang landasing ito na binubuksan ng Diyos, ang tubig na papawi ng uhaw sa katarungan, ay GANAP NA PAGBABAGO - di lamang sa loob ng bawat indibidwal, kundi sa loob ng sistemang pulitikal.
Kaya sa gitna ng walang puknat na paglaganap ng corruption sa bansa, naninindigan kami - ang Sambayanan ng Diyos sa Novaliches - para sa MAKATOTOHANAN, MASINSINAN, AT MALAWAKANG PAGBABAGO.
Ito ang aming panawagan:
Una, ILABAS ANG BUONG KATOTOHANAN. Palabasin at huwag hadlangan ang buong katotohanan tungkol sa ZTE-NBN deal, Fertilizer Scam, ang "Hello Garci" Controvercy, at iba pang mga anomalya;
Ikalawa, MAGBIGAY-SULIT AT PANAGUTIN ANG PINAGKATIWALAAN NG KAPANGYARIHAN. Tuwirang ilahad ang pananagutan ng mga sangkot sa mga isyung nabanggit, at patawan ng karampatang parusa ang mga maysala pati na ang mga nagtatakip sa katotohanan'
Ikatlo, ISULONG ANG MALAWAKANG REPORMA sa mga balangkas at pamamaraan ng pamamahala tulad ng bidding, procurement, loans at mga nahahawig na proseso, upang matigil na at maiwasan pa ang mga oportunidad sa pangungurakot at pandarambong.
Hanggang hindi naisasakatuparan ang tatlong bagay na ito -
- hindi kami titigil sa pangangalampag at pagpapahayag ng aming pagtutol sa kasalukuyang pamamaraan ng pamamahala na hindi nakatutugon ng sapat sa pagsupil ng corruption sa bansa'
- patuloy kaming manghihimok at manghahamon sa lahat na gumising, magsuri, manalangin, at magpahayag ng protesta sa pamamagitan ng conscientization at truth forums;
- ipapahayag namin ang aming protesta sa patuloy naming pagsama sa pagmamartsa sa lansangan, prayer rallies at vigils.
- suportahan at ipagtanggol ang mga nagtataya ng buhay sa pagbubulgar ng katiwalian sa pamahalaan;
- bantayan hanggang maresolba ang mga kaso ng katiwaliang nagaganap at matutuklasan pa mula sa aming mga baranggay hanggang sa Malakanyang;
- gamit ang mga mapayapa at demokratikong pamamaraan, tiyaking hindi mananatili sa posisyon ng kapangyarihan ang mga walang kahihiyang magsinungaling, magnakaw at manlinlang.
-- resultang pahayag ng ilang linggong FOCUS GROUP DISCUSSION ng mga LAYKO at KAPARIAN ng NOVALICHES, simula nuong naganap ang CANDLE LIGHTING CEREMONY AT MISA PARA SA KATOTOHANAN nuong ika 21 ng Pebrero, taong kasalukyan at tinapos ngayong SEMANA SANTA, buwan ng marso.
-- ang focus group discussion ay umikot sa siyam na bikaryato ng dioceses, sa loob ng humigit kumulang limamput pitong parokyang sakop nito. sa pagpupulso sa layko ng novaliches, maraming opinyon ang naglabasan, may panig at di panig, mainit na diskusyon ang pinagdaanan, PERO ito ang pangkalahatang opinyong lumabas na sumasalamin sa tinig ng mayorya.
-- hindi perpekto ang pahayag at hindi kasing tapang ng inaasahan, at maaring may iisa o dadalawa o iilan pang sasabihing "hindi ito ang opinyon ko," pero ang mahalaga, napadaan sa proseso ang pagbabalangkas ng nasabing pahayag, maliwanag na kinonsulta ang mga ordinaryong mananampalataya ng Novaliches, at dahil dito pinaging balido at matibay ang pahayag na ito.
break sa hiatus ;)
whoa hiatus?!@#$%^
hehehe. ang tagal natulog ng syota ni juan mukhang nagbeauty rest ata. huwag magalala in a few days expect that this will come alive again.
nagkasakit kasi ako, nilagnat sa kalagayan ng bansa. sumakit ang ulo sa pagpapasaway ni Juan. imbes na makipagaway eh ayun, nagpahinga na lang muna ako. nagrecharge ng energy. para ipagpatuloy ang pagmamahal ko kay Juan... kay Juan, na nagtutulog tulugan pa rin sa nangyayari sa Bayan!
sige abangan ang mga susunod kong post... ;) mamayang gabi malamang. pagkalabas ko dito sa puting silid ng mga nakaputing bathrobe (haha asan yun?)