Thursday, February 7, 2008

si Lozada, at ang mga nunja (ninja)

o_0 kagabi lang kakwentuhan ko ang isang kuya na nagpapatuloy ngayon sa mga kaibigang magsasaka ng Sumilao... nagiisip isip kami, nagmumuni muni tungkol sa magiging bukas ng parehas naming minamahal na si Pilipina. naisingit sa aming kwento kahit ang kamakailang pagtakas ni Lozada patungong Hongkong... at ang di umano'y pagdukot sa kanya nitong Martes... ah... ay alas... wala kaming kamuwang muwang na ilang oras lamang bago matapos ang aming huntahan ay sa kabilang dako ng Maynila, ay susulpot at lilitaw... at magsasalitang muli si Lozada... nailigtas ng mga butihing nun-ja hehe mga madreng ninja. ginabi na ako ng uwi, nagpulong pa ang mga magsasaka at kahit pwede na akong umuwi, dahil minsan lang naman ako makasilip sa kanila, nilubos ko na din ang aking pagpapagabi... halos alas dos na ng umaga ng makarating ako sa aming bahay... sumilip sa mga bahay ko sa internet, pero inantok na rin agad... mahimbing ang tulog ko habang... nagaganap ang kabayanihang ito ng mga nun-ja at sige syempre kasama na rin ang mga kuya na Lasalyano... maliwanag na ang araw ng mabasa ko ang blag at photo link ni gang ng rock.ed na kanetwork ko sa lungga ko sa multiply.

isa ang nbn deal sa mga isyung nagtulak sa aking maging hayagan sa aking opinyon laban sa gobyernong ito. bigla na lang akong napagod sa mga pinaggagawa ko. para bang nawalang saysay ang maraming taong pagpapakaalila ko sa aking kapwa... at sa Bayan... dahil sa patong-patong na isyu na ito, na wala namang kasagutan. bagaman mulat ako at kabataang may pakialam, hindi ako masyadong nakisawsaw sa usaping pulitikal... hindi dahil ako ay pumapayag sa kanilang hayagang panggagago (dissent without action is consent? aray nasaling ako! hehe) pero higit dahil, naiisip ko dati na, sayang ng enerhiya ang magreklamo ng magreklamo sa isang bagay na wala naman akong laban (oops hindi ako anti sa mga rallyista!), pero kung ang enerhiyang ito ay ibubuhos ko sa mga konkretong proyektong makakatulong sa mga komunidad... sa lipunan... nuon, tingin ko ito ang paraang mas nararapat... ngayon? saka ko lang napansing napapagod ako. watda... watda... watda-ef! nakakapagod na! kung ano mang pagaayos ko sa ugat para tumubo ito ng maayos ay patuloy naman ang pananalanta sa kabuohan ng lipunan ng sistema, sa pamamagitan ng mga ganid, at sakim, na trapo!

hinuhukay nila ang libingan ni Juan, habang ito ay buhay pa!

iginigisa pa sa sarili nitong mantika... mahirap na nga, naghihirap na nga, pahihirapan pa... di pa makokontento! mga kumag! dati kung mangungurakot sila, daang libo lang, tapos naging milyon, abashet ngayon bilyones na... dati kung mangungurakot sila, yung pera ng kapwa Pilipino, mula sa mga buwis... ngayon di na nagkasya sa buwis lang, uutang pa sila na tayo ang magbabayad, para lamang makurakot nila.... ay sukdulan!

"Wag niyong papayagan mangyari ang mga ganito............mahalin ninyo ang bayan...at ang bayan ay hindi lang ang isang pamilya...basta ...wag papayagan ito...wag...naku, Gang pagod na ako..."
mensahe yan ni manong Lozada, para sa kabataan... na inihahatid ni gang...

sa palabas sa abs-cbn, narinig ko ring sinabi ni Lozada...

"wag ninyong sayangin ang ginagawa ko..."
dagdag pa dito ang kanyang pahayag habang maluha... luha...

"... ang salitang Pilipino ay di lamang tumutukoy sa isang pamilya... ang salitang Pilipino ay tumutukoy sa isang Bansa... snd sometimes... its worth taking a risk... for this Country..."
kaya ako masasabi ko... hindi ako titigil sa ginagawa kong mga konkretong solusyon, pero ngayon isasabay ko ang pagkalampag, ang pagiingay... dahil nakikitang kong dapat na sabay ito. at oo, sino ba naman ako, bubuwit, maliit na pipiyok piyok na boses... pero kung madami tayo na bubuwit... kung madami tayong pipiyok-piyok na boses... hindi na tayo maliit. hindi na. isa na tayong puwersa. kaya yung mga may pakialam dyan na napapagod na at ayaw ng sumawsaw sa pulitika... LABAS na... dahil di ito isyu ng pamumulitika lamang... di ito isyu ng pagkampi sa mga lintik na partido - queber ang mga administrasyon o oposisyon, parehas nga silang trapo... pero kailangan na nating lumabas, makialam, at manindigan, di sapat ang mabubuting gawa kung di natin itatayo ang nakaratay sa kanser na sistema... at di ito pagkampi sa mga panget na trapo... ito ay pagkampi sa Bayan!

anuman ang partido mo, anuman ang relihiyon mo... anu man ang ideolohiya mo... isa ang maliwanag na pagkakaparehas natin... pilipino tayo... at Inang bayan natin ang Pilipinas!

kahit para sa iisang bagay na naguugnay sa atin... ay magkaisa naman na tayo!

bukas abangan nating sabay-sabay ang mga rebelasyon sa apat na sulok ng silid ng senado... ipagdasal nating lakasan ni Lozada ang kanyang loob... manaig nawa ang katotohanan at tanging katotohanan lamang!

watch and pray ang mensahe ni Bishop Pabillo nung magsimba ako sa katedral kahapon ng alas dos, at nagpakrus ng abo sa aking nuo... mensahe ba ito sa aming mga may pakialam... o threat namin to sa mga walang pakundangang ganid at sakim at trapo?

watch and pray... madam... watch and pray!

dahil isa isa na kaming maglalabasan. di na matatahimik ang mayorya. di dahil wala kaming pakialam... matiisin lang talaga ang pinoy... pero LABIS na! LABIS na po!

3 comments:

mschumey07 said...

Di natin dapat hayaang manaig ang kasamaan. Panahon na upang gumising ang mga tulog, dumilat ang mga bulag at makinig ang mga bingi.

Panahon na upang tumayo tayo at manindigan.

BURAOT said...

piya.

salamat at nakilala kita. kung hindi....

Multipol Choices

a. patuloy lang sana akong iiling-iling sa bangayan ng mga trapo,
b. habang natatawa din at naiinis sa hiwa-hiwalay at kanya-kanyang palo ng mga progresibong pwersa,
k. at naluluha at walang magawa kundi maawa sa bayan.
d. maagnas na ako sa pagiging armchair activist,
e. all op da abab

aleida said...

haha. destiny? yoooshoo... salamat buraot ikaw ang political mentor ko hahaha... pramis kahit di pa tayo nagkikita parang kalikaw talaga kita ng bituka bro, parehas pula ata ang dugo natin, akala ko dati bughaw ako eh hahaha...

mschumey07 nalink na kita nuon pa man hahaha... di ako nagpasabi hehe... nakuha kita sa link ni mang buraot. nice blog thanks po sa paglink. nagsisimula pa lang ako eh...