Tuesday, January 8, 2008

LQ ng simbahan at estado...

nabasa ko ito sa breaking news ng inquirer kaya ayan kumulo na naman ang dugo ko! tsk tsk tsk --- huwag daw pamarisan si Among Ed... harudyosko bishop... magingat po naman... tabi tabi po hane... hambait ko pa naman at likas na magalang sa mga kaparian --- wag naman sanang magbago... sabagay ang pananampalataya ko ay matibay na nakaugat sa personal naming relasyon ng Diyos at hindi sa mga indibidwal na pinuno ng Simbahan... hindi naman nawawala ang ugnayan namin ng Diyos, kahit na magkawindangan pa itong mga naturingang mga prinsipe ng Simbahan... hane bishop magdadasal na lang ako... may chanting pa ng nunc dimittis servum tuum domine... secundum verbum tuum da pace... hehehe... go in peace, bishop.

huwag na daw makialam ang mga kaparian sa nagaganap sa lipunan. lalong huwag na daw na gayahin pa si among ed na pumasok sa maduming pulitika.

at ang walang kamatayang kowtabol kowt ng mga kumag?
invoking the constitution for its provision for the separation of the church and the estate (naririnig ko tuloy si pastor ely haha - "basa") article II section 6 at sundan mo ng article III section 5 na further explanation.

hangtagal tagal na ng isyu na ito. handali naman intindihin sa marunong umintindi ng 1+1 ekwals 2 e gagawin pa rin talaga ng paulit ulit na ang sagot daw ay dapat 11.

isinali ang probisyong ito sa batas bilang pag protekta sa Simbahan, inilagay ito para talian ang estado na huwag makialam sa desisyon ng mamamayan sa pagpili nito ng kanyang relihiyon. PERO sa marami mali ang nagiging interpretasyon. ginagamit nila ito sa baligtad na paraan at maling pagkakaintindi. ang Simbahan pa tuloy ang sinasabihan nilang maupo lang sa bahagi ng bakod nito at huwag makialam sa nagaganap sa labas. gayong ang Simbahan ay may tungkuling gabayan ang mga kasapi nito.

inilapat ang probisyon, para hindi makapagdikta ang estado ng iisang relihiyon lamang. itinakda ang probisyon para tayo bigyan laya sa pagpili ng paniniwala. kailanman hindi iyon inilagay duon para magsabing manahimik ang Simbahan sa nagaganap sa Estado. imposible kasing gawin ng Simbahan iyon. hindi naman kasi binubura ng relihiyon mo ang iyong pagkamamamayan.

may lalaki, ipinanganak sa Pilipinas, at inanak ng isang Pilipinang Ina at Pilipinong Tatay, nang lumaki siya nagaral at nakatapos, hinubog at naordinahan bilang Pari, nawawala ba ang kanyang pagiging Pilipino dahil ngayon siya ay Pari na???? mananahimik ba siya habang may pagsasamantalang ginagawa sa kapwa Pilipino? ang Misyon niya ay magpalaganap ng Salita ng Diyos, at ang maging mabuting halimbawa na matutularan... nilalabag ba niya ang Misyong ito kung makikialam siya sa kaganapan sa kanyang paligid? hindi ba at ito pa nga ay isang konkretong pagsunod sa nasabing Misyon at Tawag ng Diyos?

naiintindihan ko kung bakit kailangan silang tanggalin sa kanilang pang pastoral na responsibilidad sa isang parokya, PERO, maliwanag alam ko, na ang probisyong nasabi na naisaad sa Canon Law, ay inilagay lamang hindi bilang PENALTY - o parusa - bagkus isa itong aksyong pagtugon para lamang mailagay sa ayos ang lahat at hindi naman mabigatan ang Pari na nagnais na manungkulan sa Pamahalaan... maraming paraan ng pagtugon sa Misyon... at sige oo nga naman at sana sa simula pa lang hindi na siya nagPari pa, dahil ang Pari ay para sa Parokya...pero maaring ang paghuhubog niya bilang isang pari ang siyang nagdulot sa kanya ng ganitong pagnanais... wala talaga akong makitang masama na makialam ang Pari sa pulitika, lipunan o kahit man maghangad na makapanungkulan...

HINDI NAMAN KASI NILA ITO GAGAWIN KUNG IKAW O AKO AY MAY PAKIALAM... HINDI NAMAN KASI NILA ITO GAGAWIN KUNG ANG MGA PULITIKO AY MALINIS... HINDI NAMAN KASI NILA ITO GAGAWIN KUNG HINDI LANTARAN ANG MGA PANGUNGURAKOT AT MGA PANGAABUSO...

marahil hindi naman talaga epektibo ang magpahayag lamang ng Salita...
marahil ang Salita ay kinakailangang magkatawang-tao muli...

hindi din kailangan ng Bagong Kristo...

dahil JUAN DE LA CRUZ ikaw mismo ang makabagong TAGAPAGLIGTAS.

Kaya kay AMONG ED... dumami ang lahi sana natin.

MAKINIG. MAKIALAM. MANINDIGAN. (LUMABAN! )

No comments: