hmmm... ansarap alalahanin ng unang halik ano? at dahil kwentong pag-ibig ang tema nito... pag-ibig sa Bayan... pag-ibig kay Pilipina... kaya sisimulan ko ang unang blog ko sa pamagat na unang halik.
halik naman muna. bago, ang maraming pang paglalakbay ko bilang syota ni Juan...
sa blog na ito mababasa madalas ang tatlong karakter - si Juan ay ang pangkalahatang Pilipino... at ang syota ni Juan ay pwedeng ikaw o ako... na nagmamahal sa kapwa Pilipino... at si Pilipina... oo nanay nga ito ni Juan, pero ina rin ito ng syota ni Juan.
ako ay syota ni Juan. at ikukuwento ko sa blog na ito... ang pagmamahal ko kay Juan... ang pagmamahal ko sa aking kapwa Pilipino. siyempre hindi palaging masaya ito. minsan maiinis ako kay Juan, maiinis sa ipinapakita ng mga partikular na Pilipino. madalas naman matutuwa ako kay Juan, ipagmamalaki ko siya at ipagyayabang, ito ang mga pagkakataong may kapwa Pilipino akong makikitaan ng mga ekstraordinaryong galing o kaugalian... minsan aawayin ko si Juan, aawayin ko ang mga pasaway na kaugaliang Pilipino... pero ang lahat ng ito... galit o tampo man... ay mga paglalambing ko... kay Juan... sa Kapwa Pilipinong iniibig ko...
at ang pag-ibig na ito sa Kapwa... ay siyang pag-ibig ko rin kay Pilipina, na ina ni Juan, at akin ding ina... hindi ako kagaya ng tipikal na syotang madalas ay hindi kasundo ng ina ng kanyang kasintahan... ang pagmamahal ko kay Pilipina ang siyang pinaghuhugutan ko sa pagmamahal ko kay Juan...
kaya pangarap ng blog na ito...
sana sabay tayong kiligin sa ating pagiging Pilipino... ang muling yakapin ang kung sino tayo, at ang muling makilala ang tunay na galing at kakayahan natin na naikukubli dahil sa samu't saring sosyo-pulitikal na mga kaganapan... sabay man tayong mapikon... sabay man tayong magalit... sa mga pangaabuso sa atin... sabay man tayong masaktan... mabigo... umiyak... at mamatayan pa marahil... pero sama-sama... sabay din sana tayong kumilos... para maipagpatuloy ang naputol na relasyon ng mamamayan at kanyang Inang Bayan...
Sunday, January 6, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
sadya nga bang gawa sa minatamis ang unang halik? o hindi naman talaga matamis at lasa lang matamis bunsod ng kaba?
langya kasi title mo, napaisip pa tuloy ako kung sino at kelan ang aking first kiss.
di ko matandaan...
hirap ng tumatanda at lumalawak ang karanasan... nakakaligtaan ang unang tamis ng nakaraan...
siguro marahil baka nga tiyak yan din ang dahilan bakit nakalimutan na ni Juan, ang kanyang tunay na ugat bilang Pilipino... ang Pilipinong magiting, ang Pilipinong maraming talento, ang Pilipinong matapang, at may paninindigan... nakalimutan na rin niya ang likas na ganda ng bansa... sa dami ng narating... nakalimutan na ang alindog ni Pilipina...
sana mabalikan natin ang ugat kung sino talaga tayo... sana muli nating maalala ang tamis ng nasyonalismo... sana muli nating mahalin ang ating pagiging PILIPINO-sa isip, sa salita, at sa gawa...
hehe... alam kong hindi ka naman isa dito... pero malapit na kung magtatagal pa na magkakanlong ka sa seguridad mayruon malayo sa Bayang ating kapwa mahal (hay sumanib na naman ang mga makata nuong una hehehe)
Post a Comment