naglakad-lakad ako sa kalsada kung san madalas magrally si buraot, kaya napagalaman ko ang tungkol sa piyestang bayan na kay lapit nang maganap.... dalawang taon pa... pero ang dalawang taon ay mistulang bukas na... dahil nagsisimula na ang mga palabas ng mga payasong kung tawagin natin ay trapo... naririyan na rin ang mga bandang nagpapahiwatig na malapit na nga ang nalalapit na kasiyahang ang totoo'y balatkayo lamang ng napipintong mapait na kasiphayuan nating mga Juan dela Cruz... nating mga Pilipino...
ah... pero hindi tayo... nababalisa...
baka nga marahil... ang marami ay nagbibilang na sa utak nila ng mga mamiso at mamerang hindi pa naman nasasalat ng kay kakapal nilang mga palad... mga hinayupak... na pumapayag na bilhin ng kilansing ang tanging karapatang maglalagay sa kanila sana sa kapantay na pedestal ng pinakamayamang mamamayan... ang boto ng isang Zobel ay kapares lamang ng isang kagaya kong maralita na iisa rin lang ang bilang... iisa ang bigat...
"eh, seksingtsik, kung magmamatigas ba akong huwag ipagbili ang boto ko, masisiguro mo bang hindi nila rin madadaya sa ibang paraan ang boto ko? dadayain at dadayain nila tayo... kaya ako kung dadayain rin lang pala, eh dun na ako sa nadaya akong nagkapera ako... kesa sa madadaya rin lang pala, tapos hindi pa ako nakinabang!"
pakbet na rason! sobra-sobra na talagang nakakasulasok ang umuusbong na mentalidad mo Juan, ang pagiging mautak mo sa katarantaduhan mo ginagamit... kung mag-isa ka lang na aayaw sa kasamaan... mahirap nga... pero kung sana lahat tayo... ganyan ang pananaw... kung bawat isa magmamatigas... ay kay laking pwersa natin!
"o sige, lahat nga tayo nakaboto ng maayos... eh hawak naman din nila sa leeg ang komisyon... sige maninindigan nga tayo... mamimili ng tama... boboto ng ayon sa ating konsensya... pero wala pa man ang eleksyon... malamang gawa na ang resulta? ano na? paano na?..."
sasabat pa ang isang unggoy---
"wag na lang kasi tayong bumoto..."
aarrrghhhhhh... blood boiling in my veins (help! carvedilol hehe)
punto per punto-------
1. kailangan linawin ang ating ambigous morality. pakbet wala dapat shades of gray. black or white lang. tama o mali lang. tama ang manindigan sa karapatan - wag magbenta ng boto. wag mo nang lagyan ng paliwanag ang pagbebenta ng boto para gawin pa itong medyo tama. walang medyo tama.
2. habang ginigising ang TAO, at hinuhubog siya sa tamang pagiisip at pagkilos... sabay din dapat ang pagkilos para mademolish ang kasalukuyang sistemang kinapapaluoban natin... pero hindi pwedeng magdemolish kung hindi matibay ang TAO... kasi sila ang bubuo ng bagong sistema... ng bagong kultura...
3. pansamantala... at wala pa ang ikalawang punto... pilitin natin ang ating mga sarili na manatiling mulat, nakikilahok, nakikialam, naninindigan at kumikilos sa sistemang siyang namamayani pa...* habang hindi kinakalimutang URGENT ang ikalawang punto.
*ibig sabihin nito --- kailangan pa rin nating bumoto. bantayan ang boto. at sikapin na huwag itong ipanakaw. magmatyag. ipaalam nating nagmamatyag tayo! BAKIT PA? kasi---- matulog ka lang sa araw ng halalan magkakamuta ka lang, pero hindi mapipigilan ng kawalang pakialam mo ang susunod na magaganap ilang araw pagkatapos nito... ay may TRAPO na namang UUPO!
nakakapikon lang din na 2 taon pa ang nalalapit na halalan pero aligaga na ang mga pooootek na trapo sa kani-kanilang gimik... ito ngang si mar roxas may blogsite na????? otei, OK, hindi nga naman daw siya ang nagpagawa nun... isang teenager daw na ang nais lang ay hikayatin si mr. palengkeng ikonsidera ang pagtakbo para sa halalang 2010... heto din ang oposisyon, syempre di patatalo at may jeepney nang kinukunntsaba... puno na nga daw at nasa estribo na lamang si panfilo lacson... (na nagngingitngit dahil) itong bise presidente natin? pumipili na ng paparahing masasakyang makinarya! ay pwe!
wala pa kayong nagagawa... pero meron pa namang 2 taon para makapaglingkod... pero ang iniisip na ninyo ay kung paano pa makapaglilingkod ng dagdag na taon? how profound! eh kung ngayon nga hindi na ninyo kami mapaglingkuran... magdadagdag pa kayo ng idle years of service ninyo???? huwaaa.... ibang klase!
piyestang bayan na naman Juan...
anong handa mo?
Wednesday, January 9, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
langya. hanggang ngayon binabalikan ko pa rin ang aking mga salita nung nagdaang panahon. madalas inaabot pa rin ako ng syam syam bago manumbalik ang aking dating timbre.
pero dahil sa yo, mapapabilis akong mabawi ang bagsik ng aking matapang na dila.
slamat sa iyo.
type na type ko yung "medyo tama". galing.
uy salamat sa iyo din.
ikaw ang tatay ng syota ni Juan? asawa mo si Pilipina?
^_^
Ako si Kevin Ray N. Chua, blogger ng Mar Roxas for President in 2010. So, galit ka sa akin?
hehe, hindi ako galit sa iyo rey, bilang isang indibidwal, pero nanghihinayang ako sa effort mo na ipromote si mar, at this early stage, kung tunay na hindi ka niya binayaran, sayang ng effort hindi dahil hindi ka nga bayad hehe, pero dahil nga, may iba pa sanang mas pwedeng pagtuunan ng pansin kaysa sa eleksyon sa 2010.
alam ko aleida na baka di mo (at iba pang tao) maintindihan kung bakit ako gumawa ng blog para kay mar roxas.
expected ko na yun na maraming hahanga at babatikus sa aking gagawin. pero, dapat din tayong maging bukas sa pagbabago. sa estado unidos, ganito ang ginagawa nila. nag-kakaroon sila ng site na hihikayat sa isang indibidwal na tumakbo bilang pangulo o kahit anong posisyon. nangangalap sila ng signatures online para kumbinsihin ang taong yun. yan ang "drafting."
marahil sabihin mo na binibigyan ko ng exposure si mar roxas. di naman talaga maiiwasan yun kung gagawa ka ng blog at kukumbinsihin mo ang isang tao na tumakbo sa isang posisyon. sa pagkaka-alam ko nga, di lang ako nag-iisa.
meron ng team gordon 2010, manny villar 2010 website, chiz escudero 2010 at bayani fernando for president.
meron ng team gordon 2010, manny villar 2010 website, chiz escudero 2010 at bayani fernando for president.
that's exactly the point.
nagpipiyesta na ang mga hunyango!
nauunawaan ko ang sinasabi mong drafting, hahangaan kita kung gagawin mo ito sa isang taong hindi kilala at galing sa masa... ang mga sinasabi mong mga naghahanda na ngayon para sa 2010, ay puros mga trapo, sayang nagpapagamit ka sa hindi ko maunawaang koneksyon mo, o marahil nagpapadala ka sa bugso ng damdamin mo habang bulag na hindi gagap kung ano ang tunay na ugat ng problema ng bansa...
kevin, ilang taon pa bang pahirap ng mga trapo ang kailangang maganap, para maunawaan mong hindi lang basta pagpapalit ng tao ang problema ng bansa.
this isn't just about oust gma, and replace her with mar, or with mr. x , whoever he may be.
the problem lies in the entire system of our society, and that system itself breeds this kind of culture, trapo politics, patronage politics, and the like.
i am not against election as a whole, but the system makes me abhor elections...
what makes you say Mar would be different among others? packaging lang ng PR niya ang pagiging Mr. Palengke, galeng noh, brilliant tactics, mga genius.
hays.
Post a Comment