Sunday, January 27, 2008

on cheaper medicine bill...



much has been said on this topic. blogs, articles, mediamens, reporters, television networks, radio stations, doctors from both sides, congressmens, the president of the lower house itself, the senate, and that cute little mole up in the palace.

and im not blogging about it, just to join the festival they are having, thus creating hits for my page. i am simply just too fed up with the way things are, and blogs are my therapy, so as much as i had already procrastrinated on posting this topic, for fear of being simply just a reactionary, i am now writing this, to de-stress myself (or would you rather have me, de-stress in another way?).

who wouldn't want a cheaper medicine to ease your pain and to heal your body? i myself couldn't afford the medicines prescribed by my cardiologist as a maintenance drugs to manage my heart ailment. in fact, i do not religiously take it as scheduled, even if isn't not rational, yet i only take it when necessary... like when chestpains are already evident, and so quickly i reach out for my pocket to get that saving red tablet, and the other tablets to accompany it... i also had to have my every three weeks injection, and my cardiologist strongly recommend, that i should not fail any of this injections, and yet, sometimes i do fail to surface at the scheduled time... because i would rather spend the money, at something else and not on my medicines... something else, that's more necessary to my mind (only to my mind) than these medicines.

and this isn't right. if only my cardiologist do have a blogger account (what if haha), or would be able to find its way here in this page... i guess he would resign to be my doctor and would rather have me sign a waiver for not being compliant on his prescriptions.

one ad says: "bawal magkasakit" (it is not allowed to get sick), because to be sick is not just a painful experience of the particular part of the body and the body entirely, but also it surely would make your pockets real sick. there was i time i remember myself murmuring: "bakit ba ako nagkasakit ng pang-mayaman?" (why am i sick, with such a disease, meant only for rich people?). i came from a very financially poor family leaving only in small quarters, and my dad who only reached third year in his secondary education is simply a construction worker, and mom, who barely reached even grade four, is simply a hardworking housewife... to provide our daily bread then, is difficult enough... what more, to provide my hospital needs, when ten days before my twelfth birthday, i was rushed to the hospital, having convulsions, chilling fever, and chestpains... ah, and i don't want to remember those days anymore.

so why on earth would i oppose this bill very strongly?

i want to make it clear. i am not into opposing for the move to have cheaper medicines, but i say cheaper medicines that are at par quality with the branded ones. and quality would surely be disregarded, because of one statement of the bill---allowing only generic drugs for prescription. i don't really understand that certain provision, or rather, what i do not understand is the mind of the proponents for including that statement of prohibition. as i somewhat understand my economics, i strongly believe that such statements, would clearly affect the quality of the medicines in the market. quality would be sacrificed in the quest to lower the prices, also to add that even our BFAD (bureau of food and drugs), the agency that regulates the quality control of food and drugs (which inludes medicines) honestly states that in its present state today, it has no capability to ensure quality control of this medicines.

i dont even understand also the need for such provision in the entire bill. generic name is already a part of every prescription, why then, do we have to regulate and say, prescribe ONLY generic drugs? why not leave the choice to the patients? in any prescription, as i can attest myself as a patient, the first line is the brand of the medicine, and the next line below, would be the generic name in parentheses. as i had been discussing with my mom over breakfast, how it works, i told her this example we all need a shirt to protect us from heat or rain or dust, we dont get out there naked, we need clothing. but clothing we can buy cheaply in the market, but there are also quality clothes with brands, like tshirts from bench or hang ten, and they cost more, but admit it or not compared to other garments without brands, i do not generalize all yet most of them are of poor quality. why, they might cost less, because production wise they cost less, and why? because perhaps quality was not the only priority (although it might also be their priority but they have to sacrifice a bit of it). that same thing is for generic and branded medicines. let's put another example, when you are in pain, you need a pain reliever, generic name for most commonly used pain reliever is mefenamic acid, pero andaming mefenamic acid sa botika, now what do you choose? ako alam ko na ang bibilhin ko, and i wont say the brand.

if then we will not allow our doctors to give their best suggestion, how then would we know what is the best among those brands, we still have a choice anyway to choose the generic cheaper ones, as it is also indicated in parentheses in the prescription.

what we must advocate is the improvement of our BFAD, before setting up such prohibition in that bill. what we must also advocate is the audit of this big pharmaceutical companies so as to assess if they are not actually over pricing their branded medicines. we don't cut them off the market, admit it they have the technology to produce medicines that truly deliver relief and healing, and it should never be disregarded.

my brother who is an internal and family medicine practitioner, whispered to me, that there might also be another under the table deal behind this provision in the bill... it seems that one congressman proponent is the son of the owners of a pharma company that imports generic drugs and might also be perhaps planning expansion of actually producing such generic drugs... again, i have nothing against cheaper medicine, but i guess the bill has never answered the basic needs of patients.

we need affordable medicines without sacrificing quality. thus, we need an improved and trustworthy BFAD. we need generic medicines that have undergone rigorous quality control and research. we need a regulating body (perhaps a committee of BFAD?) to audit these pharma giants--cut the profits to the minimum, securing also that they would not have any company loss but to still be able to sell branded medicines at a cheaper rate. but damn oh damn, why in the first place thus people get ill?

no other words could have better said what i wanted to convey than this one here:

"...The very core of illness is in poverty, the inaccesibility to basic health care that we pay our taxes for and the shameless disregard for preventive medicine.The government should take responsibility for that. In choosing the best, most cost-effective medicine for the patient, we doctors know best. If territories are to be drawn, then I have this to say: Doctors, only with help from God, heal. It's wishful thinking to say the same for this government who remains blind to our society's ills." --- trixie..

i want my medicines to be affordable. but never cheap.

cheap would mean--substandard...
and that would endanger me more... cost me more.

now would you still want cheaper medicine,
or rather have affordable ones?

who's going to benefit this certain provision of the bill anyway? is it the patients? the ordinary Juan dela cruz? the Filipino people? or that pharma company owns by the parent of this one solon? or the government, who might have received a favor from this solon's family?

certainly not me the patient
nor my beloved Juan dela Cruz, the Filipino people.

certainly!

Monday, January 14, 2008

suHoL o reGaLo?

lumang blog entry ko na nailabas sa kasagsagan nang pagamin ni Among Ed ng kanyang pagkakatanggap ng isang balot ng salapi... nagtanong lang naman siya... para saan ito... para ba ito kanino... at sino ang nagbigay... saang mapagpalang kamay ito nagmula?
-------------------------------------

bunsod sa nabasang BLOG kay manong sakay, naunahan niya lamang ako, magblog tungkol rito hehehe... nakakapikon na talaga... sana lahat ng nakatanggap ay maglahad na rin! kaya gumawa na lamang ng malayang taludturan, para ilabas ang damdamin ko sa usaping ito!
-------------------------------------

suHoL o reGaLo?

kamulatan lamang ang nais naming makamit
kaya may nagtatanong upang sa sagot ay sumapit
hindi maliwanag kaya kailangang bigyang linaw
hindi naman kami tangang bulag ang pananaw
kung sana lamang ay ipaliliwanag at ilalatag ng lantad
hindi sana kami kakainin ng duda at magkukuyom palad
kung sadyang ito ay para sa aming taong bayan
bakit hindi itala ng maliwanag sa angkop na listahan
bakit nagtatago at nagkukubli ang pinatabang nikolas
dahil ba wala pang pasko at hindi pa panahon ng paglabas
mana ba itong sa Poon nagmula
awa Niya sa naghihikahos na madla
kung gayon aabot ba sa aming maralita
ang Biyayang inyong nasalo at naibulsa
subalit sino ang magsusulit sa inyo
paano huhusgahan kung ito nga'y hindi siphayo
wala namang magpapatunay
sa natanggap nang inyong kamay
pagka't sa hangin pumutok ang bulang nanggaling
maglalaho ring parang bula na walang pasubaling
magpakalunod kayo sa isang salapi ng manggagawa
habang kami'y kumakayod ng walang sawa
at sa bawat pagpapakasasa ninyo
dugo at pawis ng masa ang nagbabayad nito
suHoL ba ang natanggap o reGaLo?
alin man ang sagot, katotohanan lamang ang nais ko,
dahil PERA kong pinagpawisan ang pinaglalaruan ninyo!
huwag na sanang hintayin na ang aming naisin
ay magpataw ng agarang HATOL sa bigat nitong tiisin!

Wednesday, January 9, 2008

piyestang bayan na naman Juan

naglakad-lakad ako sa kalsada kung san madalas magrally si buraot, kaya napagalaman ko ang tungkol sa piyestang bayan na kay lapit nang maganap.... dalawang taon pa... pero ang dalawang taon ay mistulang bukas na... dahil nagsisimula na ang mga palabas ng mga payasong kung tawagin natin ay trapo... naririyan na rin ang mga bandang nagpapahiwatig na malapit na nga ang nalalapit na kasiyahang ang totoo'y balatkayo lamang ng napipintong mapait na kasiphayuan nating mga Juan dela Cruz... nating mga Pilipino...

ah... pero hindi tayo... nababalisa...

baka nga marahil... ang marami ay nagbibilang na sa utak nila ng mga mamiso at mamerang hindi pa naman nasasalat ng kay kakapal nilang mga palad... mga hinayupak... na pumapayag na bilhin ng kilansing ang tanging karapatang maglalagay sa kanila sana sa kapantay na pedestal ng pinakamayamang mamamayan... ang boto ng isang Zobel ay kapares lamang ng isang kagaya kong maralita na iisa rin lang ang bilang... iisa ang bigat...

"eh, seksingtsik, kung magmamatigas ba akong huwag ipagbili ang boto ko, masisiguro mo bang hindi nila rin madadaya sa ibang paraan ang boto ko? dadayain at dadayain nila tayo... kaya ako kung dadayain rin lang pala, eh dun na ako sa nadaya akong nagkapera ako... kesa sa madadaya rin lang pala, tapos hindi pa ako nakinabang!"

pakbet na rason! sobra-sobra na talagang nakakasulasok ang umuusbong na mentalidad mo Juan, ang pagiging mautak mo sa katarantaduhan mo ginagamit... kung mag-isa ka lang na aayaw sa kasamaan... mahirap nga... pero kung sana lahat tayo... ganyan ang pananaw... kung bawat isa magmamatigas... ay kay laking pwersa natin!

"o sige, lahat nga tayo nakaboto ng maayos... eh hawak naman din nila sa leeg ang komisyon... sige maninindigan nga tayo... mamimili ng tama... boboto ng ayon sa ating konsensya... pero wala pa man ang eleksyon... malamang gawa na ang resulta? ano na? paano na?..."

sasabat pa ang isang unggoy---

"wag na lang kasi tayong bumoto..."

aarrrghhhhhh... blood boiling in my veins (help! carvedilol hehe)

punto per punto-------

1. kailangan linawin ang ating ambigous morality. pakbet wala dapat shades of gray. black or white lang. tama o mali lang. tama ang manindigan sa karapatan - wag magbenta ng boto. wag mo nang lagyan ng paliwanag ang pagbebenta ng boto para gawin pa itong medyo tama. walang medyo tama.

2. habang ginigising ang TAO, at hinuhubog siya sa tamang pagiisip at pagkilos... sabay din dapat ang pagkilos para mademolish ang kasalukuyang sistemang kinapapaluoban natin... pero hindi pwedeng magdemolish kung hindi matibay ang TAO... kasi sila ang bubuo ng bagong sistema... ng bagong kultura...

3. pansamantala... at wala pa ang ikalawang punto... pilitin natin ang ating mga sarili na manatiling mulat, nakikilahok, nakikialam, naninindigan at kumikilos sa sistemang siyang namamayani pa...* habang hindi kinakalimutang URGENT ang ikalawang punto.

*ibig sabihin nito --- kailangan pa rin nating bumoto. bantayan ang boto. at sikapin na huwag itong ipanakaw. magmatyag. ipaalam nating nagmamatyag tayo! BAKIT PA? kasi---- matulog ka lang sa araw ng halalan magkakamuta ka lang, pero hindi mapipigilan ng kawalang pakialam mo ang susunod na magaganap ilang araw pagkatapos nito... ay may TRAPO na namang UUPO!

nakakapikon lang din na 2 taon pa ang nalalapit na halalan pero aligaga na ang mga pooootek na trapo sa kani-kanilang gimik... ito ngang si mar roxas may blogsite na????? otei, OK, hindi nga naman daw siya ang nagpagawa nun... isang teenager daw na ang nais lang ay hikayatin si mr. palengkeng ikonsidera ang pagtakbo para sa halalang 2010... heto din ang oposisyon, syempre di patatalo at may jeepney nang kinukunntsaba... puno na nga daw at nasa estribo na lamang si panfilo lacson... (na nagngingitngit dahil) itong bise presidente natin? pumipili na ng paparahing masasakyang makinarya! ay pwe!

wala pa kayong nagagawa... pero meron pa namang 2 taon para makapaglingkod... pero ang iniisip na ninyo ay kung paano pa makapaglilingkod ng dagdag na taon? how profound! eh kung ngayon nga hindi na ninyo kami mapaglingkuran... magdadagdag pa kayo ng idle years of service ninyo???? huwaaa.... ibang klase!

piyestang bayan na naman Juan...
anong handa mo?

Juan, gising!

bilib talaga ako sa iyo, padre -- mapagpakumbabang sinangayunan mo ang sinabi ng Obispo... kahit may paninindigang hindi mo pinagsisihan ang ginawa mong hakbang.

parehas pala tayo ng pananaw sa sinasabi ng Canon Law, sabi mo nga na kahit ang Canon Law "allowed priests to take actions in situations when the well-being of the laity was in danger."

kung kasi nga naman ang pagpipilian mo isang pakbet na trapo, at isang asawa ng gambling lord, at wala namang ibang nangahas na tumapat... aba nga naman masisisi mo ba ang paring ito na nagmahal lang naman sa mga kapampangan... isang bayan... bayan ng Diyos... di ba ang pari para sa Bayan ng Diyos?

kung bakit naman kasi... ikaw... sila... nananatili pa ring walang pakialam?!@#$%^

natatakot kayong magsalita laban sa nakikita ninyong pangaabuso ng ating yamang pambansa... nang ating mga karapatan... natatakot kayo dahil iniisip ninyo... wala rin lang namang maipapalit... ikaw ako, tayo... ang bawat isa may karapatang pumalit... hindi porket hindi ka galing sa mayamang angkan eh wala ka nang karapatang maglingkod... ikaw mamamayan... ang pinakamahalagang salik nitong bansa... sa iyo magsimula ang pagkilos... sa iyo magsimula ang paganap... ang pagbabago...

pero bago ang lahat... kasabay ng sabay sabay na paggising... ng ating kamalayan...

kailangang kitlan muna ng buhay yang mga mapagsamantalang yan!


(hays ang dugooooo ko kumukulong penk na naman!)

(hinahanap ko pa ang kantang LAYKONG PILIPINO... nekstaym ko na lang iaupload... buod nito - LAYKONG PILIPINO, buhay ka ng Simbahan, buhay ka ng Bayan...)

Tuesday, January 8, 2008

LQ ng simbahan at estado...

nabasa ko ito sa breaking news ng inquirer kaya ayan kumulo na naman ang dugo ko! tsk tsk tsk --- huwag daw pamarisan si Among Ed... harudyosko bishop... magingat po naman... tabi tabi po hane... hambait ko pa naman at likas na magalang sa mga kaparian --- wag naman sanang magbago... sabagay ang pananampalataya ko ay matibay na nakaugat sa personal naming relasyon ng Diyos at hindi sa mga indibidwal na pinuno ng Simbahan... hindi naman nawawala ang ugnayan namin ng Diyos, kahit na magkawindangan pa itong mga naturingang mga prinsipe ng Simbahan... hane bishop magdadasal na lang ako... may chanting pa ng nunc dimittis servum tuum domine... secundum verbum tuum da pace... hehehe... go in peace, bishop.

huwag na daw makialam ang mga kaparian sa nagaganap sa lipunan. lalong huwag na daw na gayahin pa si among ed na pumasok sa maduming pulitika.

at ang walang kamatayang kowtabol kowt ng mga kumag?
invoking the constitution for its provision for the separation of the church and the estate (naririnig ko tuloy si pastor ely haha - "basa") article II section 6 at sundan mo ng article III section 5 na further explanation.

hangtagal tagal na ng isyu na ito. handali naman intindihin sa marunong umintindi ng 1+1 ekwals 2 e gagawin pa rin talaga ng paulit ulit na ang sagot daw ay dapat 11.

isinali ang probisyong ito sa batas bilang pag protekta sa Simbahan, inilagay ito para talian ang estado na huwag makialam sa desisyon ng mamamayan sa pagpili nito ng kanyang relihiyon. PERO sa marami mali ang nagiging interpretasyon. ginagamit nila ito sa baligtad na paraan at maling pagkakaintindi. ang Simbahan pa tuloy ang sinasabihan nilang maupo lang sa bahagi ng bakod nito at huwag makialam sa nagaganap sa labas. gayong ang Simbahan ay may tungkuling gabayan ang mga kasapi nito.

inilapat ang probisyon, para hindi makapagdikta ang estado ng iisang relihiyon lamang. itinakda ang probisyon para tayo bigyan laya sa pagpili ng paniniwala. kailanman hindi iyon inilagay duon para magsabing manahimik ang Simbahan sa nagaganap sa Estado. imposible kasing gawin ng Simbahan iyon. hindi naman kasi binubura ng relihiyon mo ang iyong pagkamamamayan.

may lalaki, ipinanganak sa Pilipinas, at inanak ng isang Pilipinang Ina at Pilipinong Tatay, nang lumaki siya nagaral at nakatapos, hinubog at naordinahan bilang Pari, nawawala ba ang kanyang pagiging Pilipino dahil ngayon siya ay Pari na???? mananahimik ba siya habang may pagsasamantalang ginagawa sa kapwa Pilipino? ang Misyon niya ay magpalaganap ng Salita ng Diyos, at ang maging mabuting halimbawa na matutularan... nilalabag ba niya ang Misyong ito kung makikialam siya sa kaganapan sa kanyang paligid? hindi ba at ito pa nga ay isang konkretong pagsunod sa nasabing Misyon at Tawag ng Diyos?

naiintindihan ko kung bakit kailangan silang tanggalin sa kanilang pang pastoral na responsibilidad sa isang parokya, PERO, maliwanag alam ko, na ang probisyong nasabi na naisaad sa Canon Law, ay inilagay lamang hindi bilang PENALTY - o parusa - bagkus isa itong aksyong pagtugon para lamang mailagay sa ayos ang lahat at hindi naman mabigatan ang Pari na nagnais na manungkulan sa Pamahalaan... maraming paraan ng pagtugon sa Misyon... at sige oo nga naman at sana sa simula pa lang hindi na siya nagPari pa, dahil ang Pari ay para sa Parokya...pero maaring ang paghuhubog niya bilang isang pari ang siyang nagdulot sa kanya ng ganitong pagnanais... wala talaga akong makitang masama na makialam ang Pari sa pulitika, lipunan o kahit man maghangad na makapanungkulan...

HINDI NAMAN KASI NILA ITO GAGAWIN KUNG IKAW O AKO AY MAY PAKIALAM... HINDI NAMAN KASI NILA ITO GAGAWIN KUNG ANG MGA PULITIKO AY MALINIS... HINDI NAMAN KASI NILA ITO GAGAWIN KUNG HINDI LANTARAN ANG MGA PANGUNGURAKOT AT MGA PANGAABUSO...

marahil hindi naman talaga epektibo ang magpahayag lamang ng Salita...
marahil ang Salita ay kinakailangang magkatawang-tao muli...

hindi din kailangan ng Bagong Kristo...

dahil JUAN DE LA CRUZ ikaw mismo ang makabagong TAGAPAGLIGTAS.

Kaya kay AMONG ED... dumami ang lahi sana natin.

MAKINIG. MAKIALAM. MANINDIGAN. (LUMABAN! )

Sunday, January 6, 2008

unang halik

hmmm... ansarap alalahanin ng unang halik ano? at dahil kwentong pag-ibig ang tema nito... pag-ibig sa Bayan... pag-ibig kay Pilipina... kaya sisimulan ko ang unang blog ko sa pamagat na unang halik.

halik naman muna. bago, ang maraming pang paglalakbay ko bilang syota ni Juan...

sa blog na ito mababasa madalas ang tatlong karakter - si Juan ay ang pangkalahatang Pilipino... at ang syota ni Juan ay pwedeng ikaw o ako... na nagmamahal sa kapwa Pilipino... at si Pilipina... oo nanay nga ito ni Juan, pero ina rin ito ng syota ni Juan.

ako ay syota ni Juan. at ikukuwento ko sa blog na ito... ang pagmamahal ko kay Juan... ang pagmamahal ko sa aking kapwa Pilipino. siyempre hindi palaging masaya ito. minsan maiinis ako kay Juan, maiinis sa ipinapakita ng mga partikular na Pilipino. madalas naman matutuwa ako kay Juan, ipagmamalaki ko siya at ipagyayabang, ito ang mga pagkakataong may kapwa Pilipino akong makikitaan ng mga ekstraordinaryong galing o kaugalian... minsan aawayin ko si Juan, aawayin ko ang mga pasaway na kaugaliang Pilipino... pero ang lahat ng ito... galit o tampo man... ay mga paglalambing ko... kay Juan... sa Kapwa Pilipinong iniibig ko...

at ang pag-ibig na ito sa Kapwa... ay siyang pag-ibig ko rin kay Pilipina, na ina ni Juan, at akin ding ina... hindi ako kagaya ng tipikal na syotang madalas ay hindi kasundo ng ina ng kanyang kasintahan... ang pagmamahal ko kay Pilipina ang siyang pinaghuhugutan ko sa pagmamahal ko kay Juan...

kaya pangarap ng blog na ito...

sana sabay tayong kiligin sa ating pagiging Pilipino... ang muling yakapin ang kung sino tayo, at ang muling makilala ang tunay na galing at kakayahan natin na naikukubli dahil sa samu't saring sosyo-pulitikal na mga kaganapan... sabay man tayong mapikon... sabay man tayong magalit... sa mga pangaabuso sa atin... sabay man tayong masaktan... mabigo... umiyak... at mamatayan pa marahil... pero sama-sama... sabay din sana tayong kumilos... para maipagpatuloy ang naputol na relasyon ng mamamayan at kanyang Inang Bayan...